Solon, anak makikipagtulungan sa Ombudsman probe sa road project

MANILA, Philippines — Tiniyak nina Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas at dating kinatawan Francisco “Bingo” Matugas II na igagalang nila ang Office of the Ombudsman at makikipagtulungan sa imbestigasyon sa mga alegasyong may kaugnayan sa Mahayhay-Tuburan Road project sa Del Carmen, Surigao del Norte.
Ayon sa mag-ama, handa nilang sagutin ang mga alegasyon at ilahad ang kanilang panig sa tamang proseso, kabilang ang pagsusumite ng mga dokumento at ebidensyang makatutulong sa paglilinaw ng isyu.
Iginiit nila na dapat suriin ang mga alegasyon batay sa kumpletong rekord ng proyekto at hindi lamang sa mga pahayag o impormasyong lumabas sa publiko.
Sinabi rin ng mag-amang Matugas na ang preliminary investigation ang tamang proseso upang mapakinggan ang kanilang panig at masuri nang maayos ang mga dokumento at ebidensya. Hindi rin nila nais pangunahan ang magiging resulta ng imbestigasyon at hahayaan ang Ombudsman na gampanan ang mandato nito.
- Latest
























