^

Police Metro

Aircrafts, naval assets ng AFP minobilisa sa search ops sa 54 missing sa Coron

Joy Cantos - Pang-masa
Aircrafts, naval assets ng AFP minobilisa sa search ops sa 54 missing sa Coron
The Philippine Coast Guard conducts an aerial survey around the fire-hit passenger ferry MV June Aster on September 11, 2026, as search and rescue operations continue for the 84 missing individuals.
PCG

MANILA, Philippines — Pinakilos na rin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang karagdagang  mga personnel nito gamit ang mga aircrafts at naval assets upang tumulong sa paghahanap ng nasa 54 pang nawawalang pasahero at crew ng nasunog na M/V June Aster sa Coron, Palawan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ang mga air at naval assets ng AFP kasama ang mga personnel nito ay nagsasagawa ng augmentation sa multi-agency search and rescue operations. Kabilang dito ang NC212I aircraft na nagsasagawa ng aerial surveillance area, isang SOKOL helicopter ng AFP Western Command at maging ang S-701 Black Hawk helicopters na masusing ginagalugad ang karagatan ng Coron sa pag-asang may matagpuan pang mga survivors at maging ang posibleng mga nasawi sa trahedya.

Inihayag ni Padilla na bukod sa mga air assets, minobilisa rin ng AFP Western Naval Command ang mga naval assets nito sa isinasagawang search and rescue operations katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang rescue units.

Ayon kay Padilla pangunahing prayoridad ng AFP ay ang matagpuan ang mga nawawala pang biktima  at ipagpapatuloy ng mga sundalo ang misyon nito sa “whole of government” na pagtugon sa trahedya.

Magugunita na ang M/V June Aster na nanggaling sa Port of Manila ay nasunog malapit sa bisinidad ng Brgy. Marcilla, Coron, Palawan noong Setyembre 9 ng gabi. Sa tala, 35 na ang patay; 43 ang nasagip at 54 pa ang missing sa nasabing sea tragedy.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with