^

PSN Showbiz

Baron may parinig sa misis, nag-unfollow na sa isa’t isa

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Baron may parinig sa misis, nag-unfollow na sa isa’t isa
Baron at Jamie
STAR / File

Nadagdagan ang resibo kumbaga kay Baron Geisler ng kanyang asawang si Jamie Evangelista sa mga problema sa kanilang pagsasama, matapos mapansin ng mga netizen na nag-unfollow na sila sa isa’t isa sa Instagram pages kasunod ng mga cryptic post ni Baron Geisler tulad ng ‘Gratitude changes your energy before it changes your results.’ ‘Things you notice about genuinely good people.’

Oo nga at nanahimik si Baron pero kahapon ay may podcast pa siyang ini-upload na ang bottomline ay ‘parinig.’

Walang pangalan pero malakas ang duda ng iba na patungkol ito sa estado ng kanilang pagsasama ng asawa.

Pero hindi naman nawawalan ng post ang actor, na ang kanyang pinakahuling post noong Martes, Sept. 8, ay ang pagdalo niya sa Buwan ng Wika sa eskwelahan ng kanyang anak na si Tali.

Meron ding post nito ang kanyang misis bagama’t hindi agad nalaman kung dumalo rin siya sa event ng anak.

Three days ago lang nagkaroon ng mga bagong haka-haka sa post ng misis ng actor na parang may malalim o nakatagong meaning.

Burado na ang nasabing post sa Threads kung saan naglahad si Jamie ng isang situation. Pero marami na ang naka-screenshoot. Itinanong niya kung normal o katanggap-tanggap ba na ang personal assistant or household helper ay kasama sa bed o kama ang kanilang may-asawang employer. “Is it normal for an alalay/maid/PA to sleep in the same bed as her married employer?

“Morally acceptable? Asking for a confused wife.”

Last July ay naging usap-usapan din ang ipinahiwatig ni Jamie na tila bumalik sa bisyo ang aktor at sinabihan nitong humanap ng “drug rehabilitation sponsor” habang nasa derma clinic si Baron.

BARON GEISLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with