^

Bansa

Pangulong Marcos, hindi nilaglag si Romualdez – Palasyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos, hindi nilaglag si Romualdez – Palasyo
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. and Martin Romualdez on July 20, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Malacañang na walang “nilalaglag” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay ng kontrobersiyang flood control scandal na kinasasangkutan ng kanyang pinsan na si dating House Speaker Martin Romualdez.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi tama ang paggamit ng salitang “nilaglag” ng mga kritiko dahil ang kaso ay nakabatay sa ebidensiyang nakalap ng Office of the Ombudsman.

“Walang dapat nilalaglag dito, kung ano lang iyong ebidensya na nandidiyan, iyon lang—doon lang tayo bumase. Dahil ang Pangulo po sa mga bagay na ganyan ay neutral, proseso, batas, at walang dapat na gawa-gawang ebidensya,” ani Castro.

Matatandaan na si Romualdez ay dating kaalyado at kabilang sa inner circle ni Marcos bago maaresto dahil sa flood control mess.

Dagdag ni Castro, marami pang nakabinbin na kaso sa Ombudsman na patuloy pang iniimbestigahan at hindi pa nasasampahan ng reklamo.

Samantala, hindi tinukoy ni Castro kung ano ang personal na saloobin ni Pangulong Marcos sa pagkakaaresto ng kanyang pinsan, o kung balak nitong dalawin si Romualdez sa ospital.

FERDINAND MARCOS JR.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with