^

Probinsiya

Sekyu kisay sa kuryente habang naglalaba

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Sekyu kisay sa kuryente habang naglalaba
Kinilala ang biktima na si Harry Gagal, residente ng Purok 5, Brgy San Juan, Hagonoy, Bulacan.
STAR / File

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang 38-anyos na security guard matapos makur­yente habang naglalaba sa kanilang bahay sa Barangay San Juan, ng nasabing bayan noong Linggo ng umaga, Set­yembre 6.

Kinilala ang biktima na si Harry Gagal, residente ng Purok 5, Brgy San Juan, Hagonoy, Bulacan.

Ayon sa pulisya, habang naglalaba si Gagal kasama ang isang saksi na si Cristina Torres nang maganap ang insidente.

Saglit na umalis si Torres para kumuha ng almusal sa bahay ng kanyang mga magulang na malapit lamang sa kanilang bahay at iniwan ang nasabing guwardya.

Ilang sandali ang nakalilipas ay biglang narinig ni Torres ang malakas na sigaw kaya agad siyang bumalik. Nakita niya si Gagal na nakayakap na sa washing machine at nagkikisay hanggang sa bumagsak sa sahig.

Agad namang inilayo ni Torres ang nakuryenteng guwardya at humingi ng tulong sa mga kapitbahay.

Dinala nila si Gagal sa Emilio G. Perez Memorial District Hospital, ngunit idineklara na siyang dead-on-arrival dahil sa ma­tinding dumaloy na botlahe sa katawan.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with