Melai at Jason, mas tumibay ang relasyon

Gaano man ka-busy ang dating PBB Big Winner-turned actress-comedienne and TV host na si Melai Cantiveros sa kanyang mga TV and showbiz commitment ay hindi nito pinababayaan ang kanyang role bilang misis ng kapwa niya ex-PBB housemate na si Jason Francisco at ina sa dalawa nilang anak na sina Mela at Stella.
Kamakailan lamang ay grumadweyt ang panganay ni Melai na si Mela sa kanyang home schooled elementary habang ang bunso nila na si Stella ay kamakailan lang din naka-experience ng kanyang first communion.
Masaya ang mag-asawang Melai at Jason na lumalaking mababait, marespeto, at may takot sa Diyos ang dalawa nilang anak na parehong babae.
Ang mag-asawa ay kapareho rin ng ibang celebrity couples na dumaraan sa pagsubok ang pagsasama at nangyari ito nung 2016 nang pansamantala silang magkahiwalay. Pero nagkabalikan din sila at lalong tumatag ang kanilang pagsasama since then.
Sa kasalukuyan may sariling vlog, ang Melason Family sila kasama rin ang dalawa nilang anak na sina Mela at Stella.
Since malapit na naman ang pagbabalik sa ere ng longest-running franchise reality show na Pinoy Big Brother na joint venture ulit between ABS-CBN and GMA, magiging abalang muli si Melai bilang isa sa mga host ng pinagmulan niyang programa gayundin ang kanyang mister na si Jason.
Tulad nina Bianca Gonzales, Robi Domingo, at Kim Chiu, si Melai ay hindi nawawala bilang isang sa mga hosts ng top-rating reality show na nakapag-create na ng maraming stars at kasama na rito sina Gerald Anderson, Kim Chiu, Bianca Gonzales, Robi Domingo, Zanjoe Marudo, Melai Cantiveros, Maymay Entrata, KD Estrada, Alexa Ilacad, Fyang Smith, JM Ibarra, Kai Montinola at iba pa.
Anak ni Alex, bidang-bida
Hindi ikinakaila ni Alex Gonzaga na sobra niyang ini-enjoy ngayon ang kanyang pagiging mommy sa kanilang unang baby ng husband niyang si Mikee Morada, vice-mayor ng Lipa City, Batangas.
Anim na taon din ang ipinaghintay ng mag-asawang Alex at Mikee bago sila nabiyaan ng anak matapos magka-miscarriage ng ilang beses.
Pero kahit kelan ay hindi nawalan ng pag-asa ang mag-asawa hanggang tuluyan silang makabuo ng baby na sobra nilang ini-enjoy ngayon.
Bukod sa kanilang respective families, natutuwa rin for Alex and Mikee ang close friend nilang TV host na si Luis Manzano na may isa na ring anak sa wife niyang si Jessy Mendiola, si Peanut (Isabella Rose Manzano), ang first apo ng Star for All Seasons at gobernador ng Batangas na si Vilma Santos-Recto.
Peanut is turning four on December 28.
- Latest


























