TRO ng SC, pwedeng magpatigil sa VP Sara trial
MANILA, Philippines — Kapag nag-isyu ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema kabilang na ang pagkuwestiyon sa voting threshold ng mga senator-judges ay hindi maaring magbaba ng hatol ang Senate impeachment court laban kay Vice President Sara Duterte
Ito ang naging assessment ni House impeachment trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kaugnay ng mainit na debate hinggil sa itinatadhana ng Konstitusyon na 2/3 na boto o 16 mula sa kabuuang 24 Senador sa ilalim ng mga kaganapan sa paglilitis.
Alinsunod sa isinasaad ng Article XI , Section 3 ng 1987 Konstitusyon walang sinuman ang maaring ma-convict o mahatulan sa anumang paglilitis sa impeachment na walang 2/3 na boto mula sa mga miyembro ng Senado, isang tradisyon na nangangailangan ng 16 boto sa mga miyembro ng Senado.
Ang debate ay lumutang dahilan maraming mga senator-judges ang hindi nakakapagpartisipa sa proseso ng paglilitis kung saan inihirit ni Senador Miguel “Migz” Zubiri na dapat pag-usapan na ang ‘voting threshold ‘ para sa pagbababa ng hatol.
Inihayag ni Adiong na nauunawaan niya ang hamon sa konstitusyonal na kahulugan ng rekisitos sa pagboto na maaring bumagsak sa kapangyarihan ng Korte Suprema para resolbahin.
Binigyang diin ni Adiong na ekslusibong konstitusyonal na kapangyarihan ng Senado ang bumoto at hatulan si VP Sara kaugnay ng inihaing Articles of Impeachment laban dito.
- Latest















