^

Pang Movies

Ivana, nilantad kung magkano ang kita sa FB

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ivana, nilantad kung magkano ang kita sa FB
Ivana

Ipinakita ni Ivana Alawi ang kinikita ng videos niya sa Facebook (FB) na aniya’y isa sa mga pinagkukunan niya ng mga ipinamamahaging tulong sa mga kababayan.

Sa video na ipinost niya sa kanyang FB, isa-isa niyang ibinahagi ang earnings ng ilan sa kanyang contents kabilang na rito ang kontrobersyal at bina-bash na paglusong niya sa baha nang mamahagi siya ng tulong sa Pampanga kamakailan.

“Magkano nga ba ang kinikita ko sa mga videos ko sa Facebook? Ipapakita ko sa inyo kung magkano din ang naitutulong n’yo kaya lagi kong sinasabi, ang tulong na ginagawa natin is not just from me kundi galing din sa inyo,” simula ni Ivana.

“And okay maging transparent para at least, alam n’yo din,” dagdag niya.

Makikita sa video ang resibo ng kinita niya sa “baha” video na nagkakahalaga ng $2,082 (approximately P129,103) at may views itong 38 million.

Paliwanag niya, “hindi ibig sabihin, 38 million (views) ay may P1 million ka na. This is my platform kung saan ako namimigay, nagse-share ng blessings. Galing din ito sa inyo. Kung anuman ang kinikita nito, binabalik ko lang din.”

Bukod sa video earnings ay pinagkukunan din daw niya ang kanyang mga negosyo sa pagtulong na ginagawa niya.

“Meron din akong mga rental properties. Mahilig akong mag-invest sa mga lupain, sa bahay. At kumukuha din ako do’n para makapagtulong din kasi I have more than enough.

“I’m blessed, nabigyan n’yo ako ng ganitong platform na makakapag-share tayo ng blessings especially sa bansa natin ngayon na... Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo?” pahayag niya.

Nakakatulong din daw ang talent fees niya sa kanyang endorsements kaya thankful siya na maraming nagtitiwala sa kanya.

“And this is my platform kaya gagawin ko kung ano ang gusto ko. Kung gusto kong tumulong, tutulong tayo. At kung gusto kong mamigay, mamimigay tayo. Kaya wala akong pakialam. Gawin n’yo kung anong gusto n’yong gawin sa platform n’yo,” sey pa niya na tila pasaring sa kanyang bashers.

Direkta ring in-address ni Ivana ang mga pambabatikos na natatanggap niya sa kabila ng kanyang pagtulong.

“Sa mga nagkakalat ng hate, wala akong pakialam sa kanila kasi sobrang bitter siguro ng buhay nila. So, pinapanood n’yo na lang ako. Thank you,” aniya.

Kasunod nito ay ipinakita niya ang iba pa niyang kinikita sa ilang contents niya sa FB.

Ang video na namimili siya ng relief goods ay humamig ng $2,338.65 (approximately P144, 996) samantalang $1,049.55 (approximately P65, 096) ang earnings ng reel na nagre-repack siya.

Ang total earnings niya sa tatlong videos ay pumatak ng P313,598. Ang halaga naman ng napamili niyang relief goods ay P193,125 plus rice amounting to P102,000. Bukod pa rito ang VAT at income tax na nagkakahalaga ng P25,597.

At dahil may sobra pa, muling namili si Ivana ng relief goods na ipapamahagi niya ulit. Umabot sa P320,092.95 ang napamili ng aktres/content creator.

In fairness!

But take note, ang earnings na ipinakita ni Ivana ay sa FB pa lang. Wala pa ang kita niya sa vlogs sa YouTube channel niya na for sure ay mas malaki.

IVANA ALAWI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with