Ombudsman: 35 kaso ng flood control projects naisampa na

MANILA, Philippines — Ipinahayag kahapon ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na umabot na sa 35 kaso na may kinalaman sa maanomalyang flood control projects ang naisampa na sa iba’t ibang korte.
Ginawa ni Remulla ang pahayag sa pagdinig ng panukalang 2027 budget ng Ombudsman, matapos tanungin ni Finance committee chair Sen. JV Ejercito.
Ayon pa kay Remulla, may 166 kaso pa ang sumasailalim sa preliminary investigation habang 107 naman ang sa lifestyle checks.
Inihayag din ni Remulla na sa palagay niya ang pinakamahalaga ay masanay ang mga tao sa katotohanang maaaring kumpiskahin ng gobyerno ang mga ari-ariang ilegal na nakuha at maiintindihan ng komunidad na dapat silang magbigay ng impormasyon sa Ombudsman.
Patuloy rin aniya ang kanilang pag-hire ng mga bagong personnel na makatutulong sa imbestigasyon sa maraming anomalya sa flood control projects.
- Latest

















