^

PM Sports

Stoiana hindi umubra kay Eala

Chris Co - Pang-masa
Stoiana hindi umubra kay Eala
Pilit na hinabol ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang hataw ni Mary Stoiana sa US Open.
WTA

MANILA, Philippines — Hindi umubra sa lakas ni Alex Eala si Mary Stoiana ng Amerika matapos itarak ng Pinay tennis star ang impresibong 6-1, 6-2 panalo para makapasok sa second round ng US Open kahapon sa Louis Armstrong Stadium sa Flushing Meadows, New York.

Inilatag agad ni Eala ang mabagsik na porma nito nang bumulusok agad ito sa first set pa lamang para makuha ang 1-0 bentahe.

Nagtangkang pumalag ni Stoiana nang makuha nito ang 2-1 kalamangan sa first set.

Subalit iyon na lamang ang nakayanan nito matapos ilabas ni Eala ang bagsik nito para tuluyan tapusin ang laro na tumagal lamang ng isang oras at 19 minuto.

“Every exchange had its own challenges, especially in the start of the second set. I think she put me in uncomfortable positions,” ani Eala.

Ito ang ikalawang pana­lo ni Eala kay Stoiana.

Matatandaan tinalo na ito ng Pinay netter noong 2024 sa ITF 1000 Koser Jewelers Tennis Challenge sa iskor na 7-5, 6-2.

“She’s been having a great run, coming from qualifiers in a good past couple of weeks. So, I’m really happy with this match,” ani Eala.

Dahil sa solidong laro ni Eala, napuwersa si Stoiana na magtala ng 26 unforced errors.

Nagpasalamat si Eala sa mga Pinoy fans na dumagsa sa venue para suportahan ito sa kanyang laban.

Kaliwa’t kanan ang mga bandila ng Pilipinas sa buong stadium.

Sunod na sasagupain ni Eala si Oleksandra Oli

Target ni Eala na makaresbak sa Ukrainian netter na tumalo sa kanya sa opening round ng WTA 500 Strasbourg Open noong Mayo sa France sa iskor na 3-6, 7-5, 6-3.

 

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with