^

Bansa

Poa: Walang spy funds sa AFP youth summit

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Poa: Walang spy funds sa AFP youth summit
Defense counsel Atty. Michael Poa takes his oath as a hostile witness during the 21st day of Vice President Sara Duterte’s impeachment trial at the Senate of the Philippines in Pasay City on September 2, 2026
Ryan Baldemor/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni dating Department of Education (DepEd) Undersecretary Michael Wesley Poa na walang confidential funds mula sa DepEd ang ibinigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mga Youth Leadership Summits (YLS).

Ginawa niya ang pahayag bilang hostile witness sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte, na nagsilbi ring kalihim ng edukasyon nang gumastos ang DepEd ng P112.5 ­milyon confidential funds noong 2023.

Nang tanungin siya ng private prosecutor na si Benjamin “Jay” Tolosa Jr. kung makukumpirma niyang walang confi­dential funds ng DepEd ang ibinigay sa AFP para sa YLS, sumagot si Poa: “Yes, sir. I confirm that.”

Pinagtibay ng kanyang testimonya ang mga nauna nang pahayag nina Col. Manaros Boransing II at Col. Magtangol Panopio ng Philippine Army na ang YLS ay isang regular na aktibidad ng militar at ang kanilang mga yunit ay hindi nakatanggap ng confidential funds mula sa DepEd para sa mga aktibidad na saklaw ng kanilang mga sertipikasyon.

Naalala rin ni Poa na sinabi ng mga opisyal ng AFP na hindi nila alam noong inilabas nila ang mga sertipikasyon na gagamitin ang mga dokumento kalaunan kaugnay ng liquidation ng confidential funds ng DepEd. “Naalala ko po na sinabi nila iyon, sir,” testimonya ni Poa.

Ayon kay Poa, ginamit ng DepEd ang mga sertipikasyon ng AFP bilang tugon sa Commission on Audit (COA) hinggil sa mga reward na umano’y ibinayad sa confidential informers. Gayunman, ­inamin niyang wala ­siyang personal na kaalaman kung paano aktuwal na ginamit ang confidential funds.

Tinanong ng prosekusyon kung bakit ginamit ang mga sertipikasyon ng AFP upang suportahan ang tugon ng DepEd sa isang Audit Observation Memorandum (AOM) hinggil sa mga reward na umano’y ibinayad sa mga confidential informants.

Nagpatotoo si Poa na ang kanyang interpretasyon noon ay nakatulong umano sa militar ang impormasyong nakalap ng DepEd sa pamamagitan ng pagbabayad ng reward upang matukoy ang mga lugar para sa kanilang mga aktibidad. Pero paulit-ulit din niyang inamin na wala siyang personal na kaalaman kung ito nga ang tunay na nangyari.

“That is just my interpretation of the certification,” paliwanag ni Poa. “Whether or not that is indeed the case, I really do not have personal knowledge of it.”

Inamin ni Poa na wala siyang personal na kaalaman kung anong partikular na impor­masyon ang ibinigay ng mga informants o kung ang impormasyong iyon nga ang direktang nagbunga sa mga aktibidad ng AFP na binanggit sa mga sertipikasyon.

Kinumpirma rin niya na wala siyang personal na kaalaman kung paano aktuwal na ginamit ang confidential funds ng DepEd at naging bahagi lamang siya ng usapin matapos matanggap ang audit observation ng COA at ihanda ang tugon ng ahensya.

MICHAEL WESLEY POA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with