^

PM Sports

JMF opisyal nang nagretiro sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Opisyal nang nagwakas ang kabanata ng original Gilas Pilipinas team na umukit ng kasaysayan sa FIBA Asia Championship noong 2023 at FIBA World Cup noong 2014.

Nag-retiro na ang beteranong sentro na si June Mar Fajardo mula sa national team kasunod ni Japeth Aguilar noong nakaraang taon matapos ang 2-0 sweep ng Gilas sa Window 4 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers kamakalawa ng gabi sa Mall of Asia Arena.

“Maraming salamat sa fans, sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa lahat ng fans na nagpunta talaga dito para suportahan kami, maraming salamat sa inyo. Sana ipagpatuloy n’yo pa ‘yung pagsuporta sa national team” anang 9-time PBA MVP inanunsyo ang retirement matapos ang 68-56 tagumpay ng Gilas kontra sa Iran.

Iran din ang nakalaban ng Gilas noong 2013 FIBA Asia Championship finals sa parehong venue kung saan unang naging bahagi ng national team ang ngayon at 36-anyos na si Fajardo.

Taob ang Gilas, 85-71, subalit dahil sa panalo kontra sa South Korea sa semifinals ay nawakasan ang 36-taong pagkagutom sa World Cup.

Sumalang din si Fajardo sa 2014 FIBA World Cup at sa 2 pang sumunod na World Cup appearances ng Pilipinas kabilang na ang hosting noong 2023 para sa kabuuang 13 taong kampanya sa national team.

 Sa kabuuan, nakasabak si Fajardo sa 70 laro para sa Gilas tampok ang gintong medalya sa SEABA Championship, Southeast Asian Games at Asian Games sahog pa ang bronze medal sa FIBA Asia Cup at silver medal sa FIBA Asia Championships. 

 

GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with