Dalawang accla, nagsasalo sa kaligayahan
Kaibigan ang turingan ng dalawang acclang celebrity. Basta may kailangan ang isa’t isa eh willing naman silang magtulungan kapag kaya.
Pagdating naman sa lalaki, hindi nagkaroon ng away sa kanila. Minsan pa lang, meron silang “sharing.”
May kaya kasing gawin si accla 2 na hindi kayang gawin ni accla 1.
Sa isang chikahan ng mga accla, naikuwento ng isang accla na nakahagip siya minsan ng boylet sa mall habang namamasyal. Take home niya ito.
Pero after ng ganap ni accla 2 at boylet, may ginagawa pala ang boylet sa accla pero nang sabihin ito ng boylet, umayaw si accla 2 at hindi niya raw ginagawa ito.
Eh makulit si boylet. Kaya naisip niya ang kaibigang accla 1 na gumagawa ng isang bagay na sa gay lingo eh “dance.”
Ang ginawa ni accla 2, tinawagan niya ang friend na expert sa “dancing dumating agad at siya ang sumalo sa “dancing” na gusto ng boylet na hindi niya kayang gawin!
Kaya naman swak na swak ang dalawang accla sa ganyang sitwasyon!
Kylie, wala pang napipili!
Choose and select daw muna ngayon si Kylie Padilla.
Aminado si Kylie sa isang interview na nagugulat siya at maraming lalaking gusto siyang ligawan ayon sa pahayag niya sa 24 Oras.
Eh matagal-tagal na ring walang boyfriend si Kylie after ng hiwalayan nila ng dating asawa na si Aljur Abrenica.
Bagama’t na-link ito kay Jak Roberto, pero wala raw itong karelasyon ngayon dahil kapag meron, agad namang malalaman ‘yun. Sa showbiz pa ba.
- Latest



















