^

Probinsiya

Kotse salpok sa puno: 2 lolo dedo!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Kotse salpok sa puno: 2 lolo dedo!
Kapwa ideneklarang dead-on-arrival sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga biktimang sina alyas “Ford”, 79-anyos, residente ng Pulang Lupa 2, Las Piñas City; at alyas “Lino”, 71-anyos, ng Brgy. Irayang Solong ng naturang bayan.
STAR / File

Driver nakaidlip sa biyahe

MINALABAC, Camarines Sur, Philippines — Patay ang dalawang lolo habang sugatan ang isa pang senior citizen matapos na ­bumangga sa puno ng acacia ang kanilang sinasakyang kotse sa kahabaan ng provincial road, Zone 6, Brgy. San Juan Lorenzo, Minalabac, Camarines Sur kamaka­lawa ng gabi.

Kapwa ideneklarang dead-on-arrival sa Bicol Medical Center sa Naga City ang mga biktimang sina alyas “Ford”, 79-anyos, residente ng Pulang Lupa 2, Las Piñas City; at alyas “Lino”, 71-anyos, ng Brgy. Irayang Solong ng naturang bayan.

Sugatan at patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng kotse na si alyas “Chad”, 78-anyos.

Sa ulat, alas-6 ng gabi habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng provincial road galing ng Naga City lulan ng Honda City Sedan na minamaneho ni Chad patungong Poblacion, Minalabac nang bigla umanong nakaidlip ang driver at pumakabilang linya ang sasakyan saka malakas na bumangga sa puno ng acacia sa tabi ng kalsada.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng MDRRMO-Minalabac at mabilis na isinugod ang sugatang mga biktima sa pagamutan pero kapwa hindi na umabot nang buhay sina Ford at Lino.

ACCIDENT

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with