^

Probinsiya

‘Sumbungan app’ ng Infanta Police inilunsad

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

INFANTA, Quezon, Philippines — Isang makabagong Mobile Sumbungan Application (app) na kauna-unahan dito sa probinsya at Calabarzon region ang inilunsad ng Infanta Municipal Police Station katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Infanta, na naglalayong pabilisin ang pagrereport ng krimen at emergency at agarang maipadala ang mga pulis sa lugar ng insidente.

Isinagawa ang soft launching ng “Sumbungan App” (Integrated Public Safety, Emergency Response and Community Intelligence Platform) nitong Biyerns sa Infanta MPS, sa pangunguna nina Mayor Lord Arnel “ L.A. Ruanto, Chief of Police PMaj Fernando Credo, at Sangguniang Bayan. 

Ayon kay Ruanto, direktang nag-uugnay ang application sa mga mamamayan at police command center. Maaa­ring magsumbong sa pamamagitan ng chat o SMS, tawag, o e­mergency push button, habang gumagamit ang sistema ng GPS upang matukoy agad ang lokasyon ng insidente.

Sinabi naman ni ­Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea na kabilang sa mga feature ng app ay ang recorded voice calls at sistemang nagbibigay-proteksiyon sa pagkakakilanlan ng nagsusumbong alinsunod sa data privacy requirements.

Sa pagpindot sa push button, agad na makikita sa dashboard ng command center ang lokas­yon at detalye ng emergency upang maabisuhan ang mga pulis na nasa pinakamalapit na lugar.

APPLICATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with