Ipo-ipo nanalasa sa 2 barangay., 10 bahay nasira
BURGOS, Ilocos Sur, Philippines — Hindi bababa sa 10 bahay ang bahagyang napinsala nang hagupitin ng ipo-ipo ang dalawang barangay sa bayang ito nitong Linggo ng gabi kasabay ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon kay Ilocos Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rhon Arquelada, dakong alas-6 ng gabi nang mangyari ang insidente sa Barangays Manaboc at Bangbangar. Ilang bubong at garahe ang napinsala habang nabuwal naman ang mga puno dahil sa lakas ng hangin.
Walang naiulat na nasugatan matapos agad rumesponde ang mga pulis at disaster response teams sa mga apektadong lugar nang maabisuhan ng mga opisyal ng barangay sa pamamagitan ng handheld radio.
Isinagawa ang clearing operations ng pulisya at municipal disaster office, sinuri ang lawak ng pinsala.
Alas-11 ng umaga nitong Linggo, 52 pamilya mula sa 15 bayan ang lumikas at nananatili sa mga evacuation centers.
- Latest



















