VP Sara, gumasta ng P473-K kada oras

Para ubusin ang P125 milyong confi funds
MANILA, Philippines — Inihayag ni House trial Spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na gumasta ng P473,000 kada oras si Vice President Sara Duterte para ubusin ang P125 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) sa loob lamang ng 11 araw.
Ang OVP ay tumanggap ng P125 milyong cash advance noong Disyembre 2022 kung saan agad inubos ang pondo mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 31 kung saan agad itong nasilip ni Commission on Audit (COA) audirot Roderick Wamil sa pagtestimonya nito sa alokasyon sa ikaapat na quarter ng nasabing taon.
Kinuwestiyon din ng prosekusyon ang OVP hinggil sa obligasyon na kaakibat ng paggasta ng confidential funds dahilan ang cash advances ay may nakalaang espisipikong panuntunan sa paggasta nito.
Ang 11 araw na paggasta sa P125 milyong confidential funds ay isa sa isyu sa ilalim ng Article 1 kaugnay ng paglilitis sa Senate impeachment court laban kay Duterte kung paano ito ginasta at kung na-liquidate.
Ang P125 milyon ay bahagi ng P500 milyong confidential funds ng OVP.
- Latest




















