Maintenance chief ng DPWH Las Piñas-Muntinlupa, sinibak
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang pagsibak sa maintenance chief ng DPWH Las Piñas – Muntinlupa District Engineering Office (DEO) kasunod ng ilang mga ulat hinggil sa umano’y naantalang tugon nito sa mga kalamidad at iba pang kadahilanan.
Nabatid na nag-isyu si Dizon ng isang memorandum na may petsang Agosto 29 para sa agarang pagre-relieved sa puwesto kay Engineer Loreto Balena Jr..
Nakasaad sa memorandum na isinagawa ni Dizon ang kautusan kasunod ng ‘unsatisfactory performance, lack of urgency, at delayed response ni Balena sa kalamidad sa kaniyang hurisdiksiyon.
Inatasan din naman ni Dizon si Balena na magsagawa ng imbentaryo, tapusin, kumpletuhin, at lagdaan ang lahat nang nakabinbing dokumento at deliverables, at pormal na i-turn over ang kanyang mga papeles, opisyal na rekord, at mga ari-arian na nasa kanyang kustodiya sa kaukulang tanggapan.
- Latest

















