^

Pang Movies

Host/actress, nagoyo ng karelasyong aktor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

MAY mas mabigat na dahilan pala kung bakit tuluyan nang hiniwalayan ng isang host-actress bukod sa babae ang karelasyong actor.

Ang isa pang dahilan na kumalat eh ang pera.

Ayon sa isang source, magaan daw si female host sa pagbigay ng pera sa aktor. Mas busy kasi si girl kesa sa boylet.

Ok lang si girl na sustentuhan si boy. Pero may natuklasan si female host!

Kapag may give na datung si girl, aba, ang madalas kasama sa gimik ni boy eh ang barkada niya! At ang dats na ginagastos ni boy eh ang binigay ng female host!

Nagalit nang husto si female nang matuklasan niya ang ginagawa ni boy sa give niya! Si girl ang nagpapakahirap pero si boy, panay pasarap kasama ang tropa!

Kaya hayun, hiniwalayan na ni female host si aktor!

Rere, sinipa ng anak kay Kai!

LUMABAS na in public na buntis na buntis ang sister ni Ruru Madrid na si Rere Madrid! Parang manas na nga siya.

Suportado ni Rere ang asawang Gilas Pilipinas player na si Kai Sotto sa laban ng Pilipinas versus Jordan sa MOA last Friday!

Present silang lahat sa basketball game kung saan isa sa nagpanalo si Kai sa huling sandali ng laban. Matapos ang laro, na-interview si Rere a.ka. Mrs. Sotto ng mga sports reporter.

“Sobrang nakaka-proud lang as wife... Proud kaming pamilya niya. Proud na rin ang baby namin na hindi pa lumalabas! Hahaha! Sumipa na siya!” bahagi ng pahayag ni Rere.

Congratulations, Kai and Team Gilas!

Stell, sabik sa finale concert!

MATAPOS ang success ng showcase ng SB19 na si Stell last Friday upang iparinig sa fans ang latest single niyang Crazy pati na ibang songs, inaabangan naman ngayon ng fans ng SB19 ang SB19 Wakas at Simula: The Trilogy Concert Finale in cinemas.

Ayon sa Facebook post ng SM Malls Online, “From unforgettable stages to a journey shared with A’TIN, SB19 brings it all to the big screen. The most awaited finale is coming to cinemas worldwide.”

Sa Oct. 7 ang screening sa ScreenX ng movie at puwede nang bumili ng tickets sa SM Malls Online starting Sept. 10.

ACTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with