^

Bansa

‘Pera muna bago plano’ sa confi funds ni VP Sara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co, tagapagsalita ng prosekusyon sa impeachment trial, ang paraan ng paggamit ni Vice President Sara Duterte sa confidential funds. Giit niya, lumilitaw sa ebidensya ang “pera muna bago plano” na estilo sa paghawak ng daan-daang milyong pisong pondo.

“Nakakagulat na ang estratehiya ay tila pera muna bago plano. Hindi po ganoon dapat gamitin ang badyet,” ani Co sa press briefing nitong Huwebes.

Tumugon si Co sa puna ni Senator-Judge Panfilo Lacson na tinawag na “stupid” o walang saysay ang mga kinopyang entries sa physical at financial plans ng OVP. Iminungkahi ni Lacson na ipatawag pa ang karagdagang dokumento upang matukoy kung may ma­ling paggamit ng pondo.

Ayon kay Co, dapat malinaw ang plano bago ilabas ang pera, at dapat may maayos na accounting pagkatapos. “Dapat may kalakip na hindi lamang plano kundi malinaw na accounting kung paano ito ginamit,” dagdag niya.

Sa testimonya ni OVP Assistant Secretary Lemuel Ortonio, lumabas na walang confidential fund ang OVP nang manungkulan si Duterte noong Hulyo 2022. Ngunit makalipas ang dalawang buwan, humiling ito ng P250 milyon sa DBM. Naglabas ang DBM ng P125 milyon para sa huling quarter ng 2022, at tatlong tranche na tig-P125 milyon para sa 2023, kaya umabot sa P500 milyon ang kabuuang confidential funds.

Sinuri sa paglilitis ang mga physical at financial plan na kalakip ng kahilingan, kabilang ang pagkakatulad ng mga programa at ang kakulangan sa detalye. Ayon kay Co, red flag ang paliwanag na “estimate” lamang ang mga nakasaad at generic ang mga dahilan ng paggastos.

Dagdag pa niya, may kapangyarihan ang impeachment court na hu­mingi ng dagdag na dokumento upang makita ang buong larawan. Samantala, giit ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, lalo pang lumalabas ang “hindi pangkaraniwang” paraan ng paghiling at pagbibigay-katwiran sa confidential funds.

Sa huli, binigyang-diin ni Co: “Malinaw naman po na hindi dapat pera muna bago plano.”

 

 

 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with