^

Police Metro

15-anyos nalunod sa pagsisid ng cellphone

Joy Cantos - Pang-masa
15-anyos nalunod sa pagsisid ng cellphone
Nabatid na lulan ng bangka si Mark at ilan nitong kaibigang mga kabataang mangingisda ga­ling sa San Remegio Fish Port nang lapitan ng isang 23-anyos na apprentice na pasahero ng barko matapos na malaglag sa dagat sa naturang pantalan ang kaniyang cellphone.
File

Natukso sa pabuyang P1K...

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 15-anyos na bina­tilyo matapos malunod habang hinahanap ang cellphone ng isang lalaki na nahulog sa dagat kapalit ang pabuyang P1,000 kapag nakuha naganap sa bayan ng Brgy. Hagnaya, San Remegio, Cebu.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si alyas “Mark,” residente sa lugar na anak ng isang mangingisda.

Sa ulat ng San Remegio Police, alas-9:00 ng gabi ng mangyari ang insidente sa bahagi ng Hagnaya Pier sa nasabing lugar kamakailan.

Nabatid na lulan ng bangka si Mark at ilan nitong kaibigang mga kabataang mangingisda ga­ling sa San Remegio Fish Port nang lapitan ng isang 23-anyos na apprentice na pasahero ng barko matapos na malaglag sa dagat sa naturang pantalan ang kaniyang cellphone.

Inalok umano ng natu­rang lalaki ang mga kabataan na sisirin ang kaniyang cellphone at handa siyang magbayad ng P1,000 kung maibalik ito sa kaniya.

Nag-unahan naman sa pagsisid ang nasabing mga kabataan nang bigla umanong mawala sa kanilang paningin si Mark.

Nang mabatid ang insidente ay agad namang nagsagawa ng search ­operation ang Philippine Coast Guard (PCG), pero bigong matagpuan ang binatilyo.

Kinabukasan, ng alas-7:46 ng umaga nitong Agosto 24 ay natagpuan ang bangkay ng biktima na sumabit sa rampa ng Hagnaya Port.

Nagkasa na nang malalimang imbestigas­yon ang mga awtoridad, partikular na sa lalaking umano’y nag-utos at nag-alok ng pabuya upang mahanap ang kaniyang cellphone.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with