Flash flood sa China at Nepal, parang eksena sa pelikula

Parang AI o artificial intelligence sa unang tingin ang flash flood sa Nepal. As of this writing, ayon sa live report ng CNN, mahigit 1,300 katao ang nawawala – kabilang ang hindi bababa sa 300 na foreigner – matapos ang mapaminsalang biglaang pagbaha na tumama sa China at Nepal last Wednesday.
Ayon pa sa report ng CNN, mahigit 160 katao na ang kumpirmadong patay, at patuloy ang mga rescue operation.
Bukod sa AI, para ring mga eksena sa pelikula na rumaragasa ang tubig habang humahampas sa mga kabundukan kung saan lumubog ang mga lugar na maraming kabahayan at nawasak ang mga kalsada at tulay.
Sa kasalukuyan daw ay inaalam at pinag-aaralan ng mga scientist ang eksaktong mga sanhi ng nakamamatay na biglaang pagbaha na nagdala ng putik at tubig na humahampas sa mga ilog sa border ng China at Nepal.
- Latest





















