^

Probinsiya

Lola, sanggol na apo durog sa SUV!

Artemio A.Dumlao - Pilipino Star Ngayon

LAOAG CITY, Ilocos Norte — Philippines — Kapwa patay ang isang lola at kanyang 4-buwang gulang na lalaking apo nang bumangga ang sinasakyan nilang “kulong-kulong” tricycle sa SUV sa Pasuquin, Ilocos Norte, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa imbestigasyon, bumabagtas ang SUV sa may barangay road nang biglang pumasok ang nasabing tricycle sa diversion road na nagbunsod ng salpukan.

Ang lola at apong sanggol ay agad nasawi sa insidente dahil sa tinamong matinding pinsala at pagkadurog sa katawan habang dalawa pang sakay ng tricycle kabilang ang driver ang sugatan sa insidente.

Sinabi ng pulisya na hindi naman nasaktan sa banggaan ang driver ng SUV.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya habang ang driver at pamilya ng mga biktima ay nagkausap na umano kaugnay sa nangyaring aksidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with