^

Probinsiya

P165.5 milyong droga nakumpiska sa Western Visayas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P165.5 milyong droga nakumpiska sa Western Visayas
Sa report ng Western Visayas Police (PRO6), nasa 405 anti-illegal operations ang isinagawa sa nasabing period kung saan nasa 24.23 kilo ng illegal na droga ang nasamsam mula Mayo 22 hanggang Agosto 22, 2026.
STAR / File

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng pulisya kasunod ng pagkakasamsam ng aabot sa P165.5 milyong halaga ng illegal na droga sa serye ng operasyon sa Western Visayas sa loob ng tatlong buwan, ayon sa  ulat ng Police Regional Office (PRO)-6.

Sa report ng Western Visayas Police (PRO6), nasa 405 anti-illegal operations ang isinagawa sa nasabing period kung saan nasa 24.23 kilo ng illegal na droga ang nasamsam mula Mayo 22 hanggang Agosto 22, 2026.

Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa 508 pinaghihinalaang drug personalities kabilang ang 175 itinuturing na high value individuals.

Inihayag ni Regional Police Office Director P/Brig. Gen. Randulf Tuaño na dahilan sa matagumpay na pagkakakumpiska ng naturang halaga ng droga ay napigilang kumalat ito sa mga komunidad sa rehiyon.

Samantalang iniulat din ng opisyal na nabawasan ang walong itinuturing ng mga focus crimes o mga tinututukang krimen sa rehiyon na bumaba ng 22.84 % mula sa 499 insidente sa kaparehong period noong nakalipas na taon na nasa 385 na lamang ang bilang sa kasalukuyan.

Kabilang dito ay ang kaso ng rape na bumaba sa 55.56% mula sa 126 na naitala noong nakaraang period na nasa 56 na lamang ang bilang; ang murder ay bumaba ng 21.21 % mula sa 33 ay naging 26 at ang robbery ay bumaba ng 18% mula 50 hanggang 41 insidente.

Inihayag pa ng opisyal na higit na magiging pursigido ang mga operatiba ng PRO 6 sa anti-criminality at anti-illegal drugs operation para sa kaligtasan ng mamamayan at katahimikan ng buong rehiyon.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with