^

Police Metro

Iskedyul sa impeachment trial tatalakayin sa Lunes - Tulfo

Gemma Garcia, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senator Erwin Tulfo na magkakaroon ng pagpupulong ang Majo­rity at Minortity ng Seando bukas (Lunes) para kunin ang “consensus” ng ­mayorya ng mga miyembro kung papayag silang ilipat sa hapon ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. 

Ayon kay Tulfo, ito ay para mas mahaba ang oras at mapabilis ang impeachment trial.

Samantala, sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na ang sentimyento ng mayorya ng senator-judges ay ilipat ang impeachment trial sa 2:30 ng hapon simula sa Setyembre 1.

Nauna na ring iminungkahi ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri na magsagawa ng plenary session sa umaga at impeachment trial sa hapon.

Ang mga suhestyon ay dulot ng maagang sus­pesyon ng trabaho sa Senado nitong Lunes sanhi nang malakas na pag-ulan at na pagkaantala rin ng impeachment trial ng Martes at Miyerkules dahil sa habagat na nagdulot ng baha sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Maliban sa impeachemtn trial ay naapektuhan din ang pagdinig tungkol sa 2027 national budget.

Samantala, suportado ng prosecution panel ang inihihirit na “3pm to sawa” na panibagong iskedyul ng impeachment trial.

 Sa kasalukuyang setup ng Senado, ang impeachment trial ni VP Sara ay nakatakda mula alas- 10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang Miyerkules.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with