^

Police Metro

574 lugar ‘di pa humuhupa sa baha - OCD

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi pa humuhupa ang baha sa aabot sa 574 lugar partikular  na sa ­malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas na ­naapektuhan ng dalawang nakalipas na bagyo at southwest monsoon rains o habagat, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) nitong Sabado.

Sa report, sinabi ni OCD Assistant Spokesperson Diego Agustin Mariano, nasa kabuuan namang 2.1 milyong pamilya o katumbas na 7.4 milyong mga indibidwal ang naa­pektuhan ng masamang lagay ng panahon sa 10 rehiyon .

Kabilang dito ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region (Region 1), Cagayan Valley (Region 2), Central Luzon (Region 3), National Capital Region (NCR), CALABARZON (Region 4A), MIMAROPA (Region 4B), Bicol (Region 5), Western Visayas (Region 6), Eastern Visayas (Region 8) at  Zamboanga Peninsula (Region 9).

Sa Central Luzon, 446 lugar na hindi pa humuhupa ang baha simula pa nitong mga nakalipas na linggo. Sa MIMAROPA ay nasa 42 lugar ang baha pa rin, 35 sa Ilocos Region, 26 sa Western Visayas at 25 namang lugar sa CALABARZON.

Sa kasaluluyan, sa mga naapektuhang lugar ay nasa 11,900 pamilya o kabuuang 40,600 katao ang nananatili pa rin sa kabuuang 549 evacuation centers. Nasa mahigit P1.1 bilyon na ang naipamahaging ayuda ng pamahalaan sa mga apektadong komunidad habang umaabot naman sa P6.6 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura.

Samantalang, umaabot na sa 89 lugar ang nasa ilalim ng state of calamity.

 

FLOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with