^

Police Metro

Mas mahigpit na ‘gun storage rules’ isinulong sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinulong ni Sen. Raffy Tulfo ang mas mahigpit na patakaran sa pagtatago ng mga baril o “gun sto­rage rules” kasunod sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University noong Agosto 18 na ikinasawi ng dalawang estudyante.

Nais ni Tulfo na inspeksyunin muna ng Phi­lippine National Police (PNP) kung may ligtas na paglalagyan ng baril ang isang aplikante bago ito pagkalooban ng License to Own and Possess Firearms o LTOPF.

“Dapat bago mag-issue ng LTOPF ang PNP ay ma-inspect muna nila kung ang licensed owner ay mayroong secured na lugar na mapaglalagyan ng baril niya,” ani Tulfo.

Kinumpirma ng Bureau of Customs (BOC) na isa sa dalawang baril na ginamit ng suspek ay government-issued firearm ng kanyang ama na isang Customs police officer.

Nais din ni Tulfo nang mas mabigat na parusa, kabilang ang pagkakakulong, sa mga lisensiyadong may-ari ng baril kapag nagamit ng ibang tao ang kanilang armas sa labag sa batas na paraan.

Nauna na ring nanawagan si Tulfo ng ka­ragdagang security measures sa mga paaralan, kabilang ang paggamit ng handheld metal detectors ng mga security guard upang makatulong sa pagtukoy ng mga baril at iba pang ipinagbabawal na gamit.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with