^

Probinsiya

Mikee Romero umayuda sa fire victims sa GenSan

Pilipino Star Ngayon

GENERAL SANTOS CITY, Philippines — Pinasalamatan ni Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao si dating 1-PACMAN Party-list Rep. Michael “Mikee” Romero at ang 1-PACMAN sa tulong na ipinagkaloob sa mga pamil­yang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Purok TKT, Barangay San Isidro.

Ayon kay Pacquiao, malaking tulong ang agarang ayuda at ipinangakong construction materials ng grupo para sa muling pagtatayo ng mga nasunog na bahay. Naganap ang sunog dakong alas-8 ng umaga noong Agosto 17 na nakaapekto sa humigit-kumulang 12 bahay at ilang maliliit na negosyo.

Agad na naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang apoy sa loob ng 25 minuto. Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang sanhi ng sunog.

Pansamantalang inilikas sa barangay covered court ang mga pamilyang naapektuhan habang nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaang lungsod at mga lokal na opisyal.

Si Romero ay dating kinatawan ng 1-PACMAN party-list sa Kamara sa loob ng tatlong termino at kilala rin sa pagsuporta sa iba’t ibang humanitarian program sa bansa.

PACMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with