^

PSN Opinyon

Mga puna sa impeachment ni Inday Sara Duterte

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG ang mga nakalipas na mga Impeachment Trial kay Vice President Sara Duterte ang ating babatayan abay, mukhang nagkaroon nang pagbabago ang mga pananaw ng ilan nating mga kababayan. Kasi nga nang maisalang itong si Office of the Vice President Disbursing Officer Gina Acosta sa pag-uurirat ng mga abogado ng Prosecution at Defense, tila umiba ang ikot nang buhay ng ilan nating mga naghihikahos na mga kababayan dala ng pagkalubog sa tubig baha dulot ng mga bilyun-bilyong datung na anomalya sa Flood Cotrol Project ng Department of Public Works and Highways na minaniobra umano ng mga ‘Buwayang’ pulitiko. Kasi nga, sa mga tinuran ni Acosta tila ganun-ganon lang ka­dali ang pag-released ng datung sa Security Officer ni VP Sara. Ang masaklap nito mukhang hanggang doon na lamang ang pag-uurirat ng Intelligence Fund ni Inday Sara. May mungkahi na sana ay lumutang na lamang itong si Inday Sara sa pagdinig upang mapadali na ang teleseryeng ito. Pero ang kapuna-puna ay tila hindi interesado ang ilang mga Senador na nag-aabugado kay VP Sara Duterte. May mga larawang kumalat na sila’y nagtatawanan pa habang nakaupo bilang hukom. Hehehe! Kaya’t tuloy sa tantiya nitong aking mga ka­usap, malabong mai-impeach itong si Inday Sara dahil ang magiging batayan ay ang botohan ng mga senador. Kung magkakatotoo nga ito, sayang lang itong daan-daang milyong datung na ginastos sa impeachment trial. ‘Di ba mga suki? Ang masaklap nito, tila unti-unti nang lumiliban itong mga Senador bukod pa roon ang mga nakakulong at nakapuga. Kaya naman, kalat na kalat ngayon sa Barangay ng mga “Marites” ng bayan na sinasadya na ng ilang senador ang pagpapakita nang kanilang pagtututol sa kahinatnan sa pag-impeach kay Inday Sara nga. Get nyo mga suki?

Subalit kung babasihan natin itong mga hinaing ng mga naghihikahos nating kababayan na dapat ay ibuhos na lamang nitong mga mambabatas natin ang datung sa mga nagugutom nating kababayan kesa gugulin sa ‘Suntok sa Buwan’ na botohan ng mga Senador sa pag-impeach kay Vice President Sara. Hehehe! Tela kasi nakalimutan na nitong mga Mambabatas natin na ang taong bayan ang nagluklok sa kanila sa puwesto na umaasa na maiahon sila sa kahirapan at pagka-gutom. Di ba mga suki?

Kung sabagay nalalapit na ang 2028 Election at nasisiguro ko na matututo na itong ating mga botanta sa pagluklok sa puwesto ng mga politiko. Nakakalula na kasi itong mga SALN ng mga mambabatas sa ngayon dahil abut-abot langit na ang pagtaas ng kanilang kayamanan samantalang dumarami ang nagugutom at walang trabahong mga Pinoy. Anong sey n’yo mga suki!

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with