^

Police Metro

PNP gumamit ng digital forensics sa Zambo school shooting probe

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naghahanap ang mga police investigators ng digital evidence para mapatunayan kung paano nangyari ang insidente ng pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School campus noong Aug. 18 na nai-broadcast online at motibo ng suspect.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., kabilang sa sinusuri ang online activities ng suspek bago at matapos ang pamamaril. Tinitingnan din kung may kaugnayan siya sa online games o iba pang digital platforms at kung mayroon siyang mga naunang banta o senyales na maaaring nagbabala sa mga otoridad.

Ayon sa PNP, umano’y ni-livestream ng suspek ang pamamaril sa isang website na tinatawag na “Watch People Die” gamit ang body camera na naka­kabit sa kanyang dibdib.

Sinisiyasat din kung planado ang livestream at kung may iba pang taong sangkot sa pagkalat ng footage.

Samantala, pinaigting ng PNP ang cyberpatrol operations upang matanggal sa social media at iba pang online platforms ang mga larawan at video ng insidente.

Inatasan ni Nartatez ang Anti-Cybercrime Group (ACG) na palakasin ang koordinasyon sa mga social media platform upang mapigilan ang pagkalat at pagre-repost ng naturang materyal.

Hinimok ni Nartatez ang publiko na huwag magbahagi o mag-repost ng mga larawan at video ng pamamaril, lalo na’t may mga menor de edad na sangkot na maaaring magdulot ng dagdag na trauma sa mga biktima at kanilang pamilya at makasagabal sa patuloy na imbestigasyon.

SHOOTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with