^

Police Metro

2 baril kinuha ng Ateneo shooter sa ama

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Bureau of Customs (BOC) Customs Commissioner Ariel Nepomuceno na kinuha umano ng estudyanteng sangkot sa madugong pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang dalawang baril mula sa sasakyan ng kanyang ama na isang opisyal ng BOC na ikinasawi ng dalawang estudyante kabilang ang shooter.

Ayon kay Nepomuceno na karaniwang ginagamit ng ama ang naturang sasakyan sa pag­hahatid sa kanyang anak sa paaralan, ngunit ng araw nang insidente ang driver umano ng opisyal ang naghatid sa estudyante.

“Supposed to be, babalikan siya ng driver niya. Nagkaroon tuloy na access ‘yung anak niya sa mga baril niya,” ani Nepomuceno.

Batay sa imbestigas­yon, ang shooter na isang Grade 9 student ay may dalang dalawang baril nang mamaril sa klasrum na ikinasawi ng isang Grade 10 student bago nagbaril sa sarili.

Una nang kinumpirma ng BOC na ang isa sa dalawang baril na ginamit ng shooter ay ang baril na inisyu ng BOC sa kanyang ama.

Kaagad sinuspinde ni Nepomuceno ang ama ng bata sa trabaho upang isailalim sa imbestigasyon at matukoy kung nagkaroon ito ng kapabayaan.

ARIEL NEPOMUCENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with