^

Police Metro

Grade 9 shooter bumaba ang grade, na-depress    

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maliban sa umano’y pagiging panatiko ng video games na Roblox ay dumaranas pa umano ng depresyon sa kanyang mga grade ang Grade 9 student na si Mohammad Mael Jalani kaya’t nagawa nitong mamaril sa loob ng klasrum ng Ateneo de Zam-boanga University-junior high school building sa Brgy. Tumaga na ikinasawi ng Grade 10 student na si Patrick Dylan Wee at pagkasugat ng iba pa.

Ito ang nabatid kahapon kay Zamboanga City ­Mayor Khymer Adan Olaso sa isang radio at television interview nitong kaugnay ng pagtutok nito sa kaso na ikinasawi ng dalawang junior high school kabilang ang shooter.

Ayon kay Olaso na bagaman isang honor student si Jalani ay may hinahabol umano itong grades matapos na medyo bumaba ang grades nito.

“So yung motive niya is ‘yung teacher.Parang ‘yun ang gusto niyang gantihan,” ani Olaso nang matanong sa posibleng motibo ng krimen.

Ayon kay Olaso nung binaril ng bata ang isang titser ay sumablay ito kaya lumipat ng ibang klasrum sa 4th floor at dito namaril kung saan ay nasapul ang nasawing estudyante at matapos ito ay umakyat ito sa 5th floor saka nagbaril sa sarili.

Bukod dito ay isang panatiko umano ng video­ games na Roblox si Jalani na hinihinalang nakaimpluwensiya dahil nagsuot pa ng body worn camera at nagsagawa ng FB livestreaming habang namamaril na ikinasawi ni Wee.

Nabatid pa sa pagsisiyasat ng Zamboanga City Police na bago ang krimen ay nasabi pa ng shooter sa kaniyang kaibigang estudyante na mamaril umano siya na inakala naman ng kausap nito na nagbibiro lamang ang suspect.

Lumilitaw pa sa imbestigasyon na ang baril ay kinuha ng bata sa sasakyan ng ama matapos itong ihatid sa eskuwelahan ng kanilang driver.

DEPRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with