Daniel, kinuyog ng bashers sa pagtalak sa mga faney

Pinagpipistahan ngayon ang video nina Daniel Padilla at Kaila Estrada kung saan ay makikitang pinagalitan ng aktor ang fans nang dumugin sila habang papasok ng sasakyan.
Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang viral video na kuha ng isang fan.
Mapapanood sa clip na nagkakagulo ang fans ng dalawa para makapagpa-picture sa kanila at inawat sila ni DJ na tila pinoprotektahan si Kaila. “Huy, huy, tayo-tayo rin ‘to, ba’t tayo nagkakaganito? Ano ba?” ang sabi ni DJ.
Kasunod nito ay tila inayos ni DJ ang uupuan ni Kaila sa kotse at saka inalalayan ang rumored girlfriend papasok. “Nagkakaipitan na tayo, ano ba ‘yan?” wika pa ni Daniel sa fans.
Nang makapasok na si Kaila sa sasakyan ay makikitang sinita ulit ng aktor ang fans. “Anong nangyayari sa atin, guys? Ano ‘to?” sey niya.
Dahil dito ay na-bash ng katakut-takot si Daniel at sinabihang isnabero sa fans.
Ipinagtanggol naman ni Ogie si DJ at sinabing hindi naman gustong tarayan ng aktor ang fans kundi pinoprotektahan lang nito si Kaila. Most of the time ay accommodating naman daw si Daniel sa fans pero siyempre, hindi naman pwedeng sa lahat ng pagkakataon dahil may mga oras din na wala sila sa mood or hindi maganda ang pakiramdam.
Anyway, dedma naman ang aktor sa mga bashing na natatanggap at wala pa siyang pahayag tungkol dito. Pero knowing him, hindi na niya papatulan pa ito.
Robi, pinadalhan ng datung ni Melai!
May nakakaaliw na kwento si Robi Domingo tungkol sa kaibigang si Melai Cantiveros na nagbigay ng regalo para sa baby nila ni Maiqui Pineda na si Emmanuel.
Ibinahagi ng TV host ang funny story sa kanyang Instagram Story kalakip ang larawan ng anak na nakasuot ng t-shirt na bigay ni Melai. “Story time! After filming the spiels for ASAP XP Australia, Ate Me gave me a paper bag containing this shirt,” tsika ni Robi sa caption.
Kwento pa niya, sey raw ni Melai sa kanya, “Para kay baby I-mmanuel.”
Kinorek niya ang kaibigan at sinabing “Ate Me, letter E. Emmanuel.”
Sagot naman ni Melai, “Ano ba sabi ko? Gusto mo ba o hindi?”
Sey na lang ni Robi, “Okay na yan. Immanuel nga siya.”
Pero hindi lang t-shirt ang ibinigay ni Melai dahil nagpadala pa raw ito ng cash sa kanilang bahay kaya pinasalamatan niya ito.
“Thank you @mrandmrsfrancisco at sa pinadala mo na cash sa bahay,” mensahe ni Robi kay Melai.
Hindi na ikinuwento pa ng TV host kung bakit nagpadala ng cash ang comedienne sa kanyang bahay.
Matagal nang magkaibigan sina Melai at Robi na nabuo during long years of working together as hosts on Pinoy Big Brother and other ABS-CBN programs.
- Latest























