Pokwang, binagayan ng pagiging dugyutin!

Magsisilbing maagang birthday gift kay Pokwang (Marietta Subong in real life) ang kanyang Best Actress award mula sa Cinemalaya Independent Film Festival sa 22nd Cinemalaya Independent Film Festival.
Tinanghal na Best Actress si Pokwang using her real name na Marietta Subong para sa pelikulang 2 Valid IDs na kanyang pinagbidahan at naka-tie niya ang isa pang mahusay na veteran actress na si Ruby Ruiz para naman sa pelikulang Status: Rejected.
Pokwang is turning 54 on Aug. 27
Si Pokwang ay single parent sa kanyang dalawang anak na sina Ria Mae at Malia at may isa na rin siyang grandchild. Ang kanyang panganay na anak na si Mae ay katuwang niya sa kanyang itinayong business, ang Mamang Pokwang’s Gourmet.
Pangalawang Cinemalaya movie niya ang 2 Valid IDs.
Nauna niyang ginawa ang pelikulang Mercury is Mine pero hindi siya rito nanalong Best Actress.
Kung sabagay, bagay na bagay kay Pokwang ang role sa 2 Valid IDs na isang dugyot at sakiting ina.
VMX Star, gustong maging abogada
Isang law student at dating model-beauty queen ang isa sa mga pinakabagong stars ng VMX na si Shannon Sizon na ang idolo ay ang dating sexy star-turned award-winning actress na si Rosanna Roces.
Kahit bago pa lamang si Shannon sa paggawa ng sexy movies on VMX ay nakagawa na ito ng apat na proyekto this year.
Bukod sa kanyang bagong project na VMX Tapes now streaming on VMX streaming platform, may tatlo na siyang nagawang proyekto, ang Siping, Barurot 2 at Bagong Tukso 2.
During the presscon ng VMX Tapes, inamin ng dating beauty queen na pangarap daw talagang pumasok sa showbiz at gumawa ng sexy movies pero eventually ay gusto rin niyang makatawid sa mainstream.
Si Shannon ay produkto ng isang broken family dahil hiwalay na ang kanyang parents at ang kanyang mom ang kanyang sandalan sa lahat ng pagkakataon.
Kahit nagpapaseksi si Shannon ay may basbas ito ng kanyang ina na isa ring law student ngayon in another school. Pinanonood din umano ng kanyang ina ang kanyang sexy movies at ito raw ang kanyang number one critic.
Kasama ni Shannon ang kanyang ina nang siya’y lumagda ng kontrata sa bakuran ng Viva.
Kahit nagpapaseksi si Shannon sa kanyang ginagawang movies under VMX, she is a driven person at meron siyang goal na gustong maabot at kasama na rito ang kanyang pagiging isang abogada balang araw.
- Latest

























