Agosto 19 idineklarang ‘Day of Mourning and Prayer’ sa AdZu
MANILA, Philippines — Idineklara ang araw ng Miyerkules, Agosto 19, bilang “Day of Mourning and Prayer” sa lahat ng campus sa Ateneo de Zamboanga University (AdZU) matapos ang pamamaril na ikinasawi ng dalawang estudyante, isa rito ang gunman sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City nitong Martes ng umaga.
Sa online press briefing, inanusyo ni AdZu President Fr. Anthony “Ernald” Andal, ang agarang suspensiyon ng klase sa buong ADZu campus bilang pagbibigay pugay sa mga biktima at suportahan ang nagluluksang komunidad bunga ng insidente ng pamamaril na ikinasawi ng isang Grade 9 at Grade 10 student
Umapela si Andal sa publiko na huwag i-share sa social media ang video ng insidente upang hindi ito makadagdag sa hinagpis ng mga apektadong pamilya at makapagdulot ng trauma sa mga mag-aaral.
- Latest





















