^

PSN Showbiz

Phillip Salvador, may ‘ninakaw’

Anna Pingol - Pilipino Star Ngayon
Phillip Salvador, may ‘ninakaw’
Phillip Salvador.
STAR/ File

Madalang makita sa showbiz events lately ang premyadong aktor na si Phillip Salvador.

Pero hindi niya pinalampas ang imbistasyon ng book launch ng 100 Sine. Film. Pelikula The 100+Greatest Movies of Philippine Cinema na isinulat ni Jo-Ann Q. Maglipon, sa pakikipagtulungan ng cinema academic na si Professor Joel David.

Kabilang kasi sa mahigit 100 pelikulang nakasama sa listahan ang tatlong ginawa nina Phillip at namayapang National Artist Lino Brocka namely Jaguar (1979), Kapit sa Patalim: Bayan Ko (1984) at Orapronobis (1989).

Lahat aniya nung ginawa nila ay equally memorable pero una niyang siningle-out ang Jaguar, ang first Filipino film na nakasali sa main competition ng prestihiyosong Cannes Film Festival, kung saan na-nominate rin ito para sa highest honor ng festival, ang Palme d’Or.

“Ginawa ko ‘yong Jaguar, happy ako kasi that was my first bida role...” panimula ng beteranong aktor. “You know, happy kami sa movie na ‘yun kasi alam n’yo ba na eight nominations ‘yon? Everyone won except for the lead actor...”

Lakas ng tawanan ng audience sa kanyang tinuran.

Ang tinutukoy na award-giving body ni Phillip ay ang Gawad Urian noong 1980, kung saan tinalo siya ni Dindo Fernando bilang Best Actor para sa pagganap nito sa Ikaw at Ang Gabi.

Mahaba ang pagbibigay tribute ni Phillip kay late great Lino Brocka. Pero bilang pagtatapos, sinabi niyang “Working with Lino Brocka was the best thing that ever happened to me as a person, as an actor. Because he’s a great man, he’s a great person, and he’s a great director.”

Pagkatapos ng picture-taking at konting tsika-tsika, hinintuan ni Phillip ang pagkalaki-laking poster ng book cover ng 100 Sine na naka-display sa lobby. ‘Yun pala ay may maitim siyang balak... ora-orada kasi ay dineklara n’yang “Iuuwi ko ‘to” sabay kuha sa malaking karton at humangos sa escalator. Pansinin na pansinin siya that time pero wa siya kebs. Importante ay maiuwi niya ang nasabing souvenir na malamang ay naka-display na ngayon sa kanyang bahay.

Kasama kasi siya sa napaka-creative na cover collage (na gawa ng artist na si Paul Villariba). Ang larawan niyang na-immortalize roon ay mula sa isang eksena niya sa Jaguar.

PHILLIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with