^

PSN Showbiz

Will, inilabas na ang paborito!

Pilipino Star Ngayon
Will, inilabas na ang paborito!
Will Ashley.
STAR/ File

Inilabas na ni Will Ashley ang debut single niya na pinamagatang Paborito, ang unang awitin mula sa kanyang paparating na album na Liham sa ilalim ng StarPop.

Isinulat ni Will ang kanta kasama si Maki at StarPop label head Roque “Rox” Santos na siya ring nagsilbing producer. Tungkol ang awitin sa saya ng pagkakaroon ng isang espesyal na tao at ang pagpiling manatili at mahalin siya araw-araw.

“Excited na akong marinig niyo ang sinulat kong kantang Paborito. Sana makasama ko kayo sa Sept. 20 para sa aking album launch,” ani ng Kapuso singer-actor sa social media.

Naghahanda na rin si Will para sa Liham album launch na gaganapin sa Setyembre 20 (Linggo) sa SM North Edsa Skydome. Mabibili ang tickets sa smtickets.com at SM Tickets outlets sa halagang P4,850 (SVIP), P3,800 (VIP 1), P3,050 (VIP 2), P2,700 (Patron) at P1,850 (Gen Ad).

Nagsimula ang Sparkle artist bilang child actor bago mas nakilala ng publiko nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Season 1, kung saan itinanghal siyang second big placer. Patuloy na pinahanga ni Will ang mga manonood sa kanyang pagbida sa mga pelikulang Love You So Bad at Bar Boys: After School, pati na rin sa seryeng The Secrets of Hotel 88.

WILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with