2 suspek sa pagpatay sa kagawad nasakote

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga elemento ng Negros Island Police ang dalawa sa apat na suspek sa pamamaslang sa isang opisyla ng Barangay Santa Rosa sa Murcia, Negros Occidental.
Ayon sa pulisya, magkasunod na naaresto ang isang alyas “Jo” sa Barangay Zone 2 na itinuturing na No. 9 Most Wanted Person sa regional level noong Agosto 10 at si alyas “Angie” noong Agosto 11, sa parehong lugar .
Noong Enero 26, 2026, ganap na alas-10:25 ng umaga nang maganap ang pamamaril kay Kagawad Gawan sa Purok Puncian, Barangay Santa Rosa. Sinasabing kabababa lamang ng biktima mula sa sinakyang SUV mula sa pagdalo sa isang clean-up drive nang bigla siyang lapitan ng at barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang suspek. Tumakas ang gunman patungo sa Murcia Proper.
Ayon kay Negros Island police chief PBrig. Gen. Romano Cardiño, nagbuo na ang pulisya ng Special Investigation Task Group “GAWAN” para paigtingin ang imbestigasyon sa kaso at sa isinagawang case build-up at intelligence gathering, natukoy ang apat na indibiduwal na sinasabing sangkot sa krimen.
Patuloy ang manhunt operation ng pulisya sa dalawa pang nakalalayang suspek.
- Latest



















