^

Metro

16-anyos kinuyog, tinodas ng 4 katao sa bilyaran

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 16-anyos na lalaki matapos na pagtulungan bugbugin at saksakin ng apat na kalalakihan na kanyang nakaaway kamakalawa ng gabi sa isang bilyaran sa Que­zon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa Commonwealth Hospital ang biktimang si alyas “Troy,” isang Grade 11 studente at residente ng Caloocan City habang isa sa tatlong suspek na nakilalang si alyas “Drei” ang naaresto ng mga opera­tiba ng Que­zon City Police District (QCPD). Pinaghahanap pa ang dalawang suspek na nakatakas.

Batay sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente bandang alas-9 ng gabi nitong Huwebes sa labas ng KDM Esports Arena and Billiards sa Quirino Highway, Brgy. Pasong Putik Proper, Quezon City.

Bago ito, lumitaw na bandang alas-6 gabi nang pumasok ang biktima kasama ang ilang classmate sa nasabing bilyaran. Makalipas ang ­ilang oras, dalawang lalaki ang pumasok sa bilyaran at hinamon ng suntukan ang grupo ng biktima.

Nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang grupo ng mga biktima hanggang sa magpasya ang grupo ng mga biktima na bumaba at umalis ng bilyaran. Doon na umano nagsimula ang suntukan hanggang sa pagtulu­ngan ng mga suspek.

Isa sa mga suspek na si alyas “Pher” ang  bumunot ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang biktima sa dibdib at tadyang saka mabilis na nagsitakas. Sa follow-up operation ng QCPD, nadakip si alyas “Drei” sa kanyang bahay sa  Brgy. Greater Lagro, QC.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang tunay na motibo sa insidente.

LAGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with