KimPau at Belle, magpapasabog

MANILA, Philippines — Sunud-sunod na kilig at kasiyahan ang dapat abangan ng manonood sa ASAP XP sa Australia sa pangunguna nina Kim Chiu at Paulo Avelino at Belle Mariano ngayong Linggo (Aug. 16), 5:30 p.m. sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant at TFC.
Handa nang kiligin sa espesyal na duet nina Kim at Paulo.
Tutukan ang pasabog na solo number ni Belle sa entablado ng ASAP XP.
Bida ang talentong Pinoy sa pangmalakasang opening number nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Robi Domingo, Donny Pangilinan, Belle, Darren, Maymay Entrata, Kyle Echarri, Alexa Ilacad, Sofronio Vasquez, Klarisse De Guzman at Jona.
Magpapamalas ng galing sa kantahan ang global champions na sina Regine Velasquez, Erik, Angeline, Darren, Klarisse, Mary Ann Van Der Horst, Marlisa Punzalan, Jaydean Miranda, Jona, Eric Santelices at Ram Dinapo.
Makikanta naman sa dalang bonggang karaoke session ng Concert King Martin sa Australia.
Nag-uumapaw na kilig at pag-ibig ang hatid ng jamming session ng real-life couple na sina KZ at TJ Monterde.
Ma-inspire at mamangha sa pasabog collaboration ng OPM icons na sina Martin, Gary, Regine, Ogie and Zsa Zsa.
Magsisilbing hosts ngayong Linggo sina Robi, Donny, Belle, Darren at Alexa.
- Latest




















