^

Police Metro

VP Sara dapat sitahin ng Senate impeachment court

Joy Cantos - Pang-masa

Sa pahayag na ‘bending the law’

MANILA, Philippines — Dapat na sitahin ng Senate impeachment court si Vice President Sara Duterte bunsod ng kanyang pahayag na “bending the law.”

Ito ang sinabi ni House prosecution panel spokesperson at Kabataan party-list Rep. Renee Co bilang reaksyon sa nakatakdang paglabas ng ruling ni Senate court presiding officer Francis Escudero kaugnay ng umano’y mga paglabag sa Rule 18 ng impeachment, na nagbabawal sa mga partido na magkomento at magsapubliko ng mga merito ng dinidinig na kaso.

Ayon kay Co na si VP Sara ang bumabaluktot ng batas, lalo na sa kanyang questionable na paggasta ng Confidential and Intelligence Funds na hanggang ngayon wala pa rin pong sagot sa taong-bayan,” dagdag ng lady solon.

Magugunita sa isang panayam ay  sinabi ni Duterte na napaka-klaro ang bending the law sa impeachment simula pa sa House of Representatives, hanggang sa pagkakaroon ng dalawang tao na nakaupo sa Senate impeachment court

Anya, bagamat, kinikilala umano ng prosekusyon ang karapatan ni Duterte na ipagtanggol ang kanyang sarili ay hindi dapat bigyan ito o ang kanyang mga abogado ng espesyal na pribilehiyo upang sirain ang impeachment court.

Sinabi naman ni Atty. Benjamin Tolosa Jr., spokesperson at counsel ng House prosecution panel, na maaaring punahin ng mga partido sa isang kaso ang mga nangyayari sa proceedings, ngunit walang sinuman umano ang dapat payagang atakehin ang integridad mismo ng korte.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with