^

Probinsiya

Grade 10 student, sapol ng pana sa leeg

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatang isinugod sa pagamutan ang isang 15 anyos na estudyanteng babae makaraang aksidente itong tamaan ng pana sa kaliwang bahagi ng kaniyang leeg sa loob ng klasrum ng isang eskuwelahan sa high school sa bayan ng San Mateo, Isabela noong Martes ng hapon, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), nangyari ang insidente dakong alas-4 ng hapon sa Salinungan National High School sa nasabing bayan.

Sa pahayag ni Dr. Eulysses Daquioag, principal ng Salinungan National High School nasa loob ng klasrum sa kanilang klase ang biktima nang biglang may lumusot na pana sa bintana at aksidenteng tumama sa leeg ng estudyante. Ang pana ay pinakalawan ng isang 15-anyos na atleta sa labas ng klasrum habang nagsasanay ito sa sports na archery. Agad humingi ng tulong ang mga guro sa mga rescuer at isinugod sa pagamutan ang biktima na isinailalim sa operasyon bunga ng insidente.

Nabatid na isa ring 15-anyos na estudyanteng atleta ang nag-excuse sa kanilang guro na may dalang ‘bow and arrow’ para umano magpraktis sa nasabing sports. Ang student athlete ay nagpakawala umano ng pana sa bahagi ng amphitheater, pero dumeretso ito sa klasrum at tumama sa leeg ng biktima.

Inihayag ng principal ng eskuwealahan na hindi awtorisado na magpraktis ng archery sa loob ng school premises at bukod ito ay wala umanong kasamang coach ang nasabing atleta.

Sa kasalukuyan, stable na ang kondisyon ng estudyante. Habang nagbigay na rin ang eskuwelahan ng pinansyal na ayuda sa pamilya ng biktima. Ang kasong ito’y patuloy namang iniimbestigahan.

ISABELA

SAN MATEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with