Alex, kinaaliwan sa pasasalamat sa barangay Toronto!

Winner na winner ang caption ni Alex Eala sa kanyang post na pinusuan ng kanyang followers.
“Saya pala dito sa barangay Toronto,” umpisa niya sa caption.
“Difficult to put into words but very easy to be grateful for you all. Feeling the love in ways that I will probably only fully appreciate later,” dagdag niya.
“Thank you for allowing me to experience beyond what I know. I am quite the lucky one,” sabi pa niya.
Grabe, ang Pinoy fans na dumadagsa sa mga laban ni Alex at sobrang lakas ng sigawan.
Na pati umpire ay napapa-react.
Hahaha.
Very Pinoy na parang basketball ang pinapanood.
Pero sino ba naman ang hindi titili.
Iba ang konsepto ng panonood ng tennis noon.
Anyway, tinapos ng Filipino tennis star ang kanyang kampanya sa Canadian Open matapos matalo sa Swiss No. 12 na si Belinda Bencic, 4-6, 0-6, noong Lunes sa Toronto.
Si Bencic, na nanalo sa torneo noong 2015, ay nakapasok sa quarterfinals kung saan makakaharap niya ang American No. 4 na si Coco Gauff, na nagwagi kay Alina Korneeva, 6-3, 6-1.
Si Alex, na umabot sa career-best na No. 20 sa WTA singles ranking matapos manalo sa Mubadala DC Open noong nakaraang linggo, ay tinalo ang mga American tennis superstar na sina Alycia Parks, 6-1, 4-6, 6-2, at Cathy Mcnally, 6-3, 5-7, 6-4, upang makarating sa ikaapat na round.
- Latest






















