Heart, binawi ang pagpili sa pera kesa sa friends!

Binawi ni Heart Evangelista ang kontrobersyal na statement niya na mas gusto na niya ang maraming pera kaysa kaibigan.
Matatandaang sa isang episode ng show niyang The People Have Spoken noong nakaraang buwan ay sinagot niya ang tanong na “Anong mas nakakalungkot, wala kang kaibigan o wala kang pera?”
Ang sagot ng aktres, “Wala naman akong kaibigan, basta may pera, okey na ako.”
Kaagad itong nag-viral at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens. Ang iba ay na-sad pa for her dahil wala siyang friends.
Sa latest interview kay Heart ng Fast Talk with Boy Abunda team, nagpaliwanag siya sa naging pahayag at binago na niya ito.
“Ang ibig sabihin ko, if I can explain, I’d rather have a handful of friends than an army of acquaintances,” paglilinaw niya.
Paliwanag pa ng global fashion icon, “‘Pag sinabi mo kasing friends, parang friends lang. Pero iba ‘yung parang trinato mong pamilya.”
Kasunod nito, kinontra ni Heart ang nauna niyang pahayag at sinabing mas preferred pa rin niya ang kanyang family and friends than money,
“Pero sa totoo lang, para sa akin, babawiin ko ‘yun. I’d rather have my family and my real friends than a lot of money. Pero kung sabay, okay din,” saad niya.
Para naman kay Boy Abunda, naintindihan naman daw niya si Heart dahil minsan talaga ay may mga nasasabi tayong pabiro for the sake of being funny.
Pumirma nga pala ng panibagong kontrata si Heart sa Sparkle GMA Artist Center nitong Martes, Aug. 11.
Sa kanyang ika-walong taon sa Sparkle, nagpahayag ng pasasalamat ang aktres sa pag-aalagang ginagawa sa kanya ng management at sa mga magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng GMA 7.
Sinabi rin ni Heart na wish niyang manatiling Kapuso hanggang sa kanyang pagtanda.
- Latest

























