^

Pang Movies

Arthur, mabigat ang loob nang umalis si Rochelle

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Arthur, mabigat ang loob nang umalis si Rochelle
Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan

Ipinagdiwang nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap ang kanilang ika-9th wedding anniversary noong nakaraang Aug. 8 sa pamamagitan ng matatamis na mensahe para sa isa’t isa, kahit magkalayo sila. 

Nag-post ang Kapuso couple sa Instagram ng anniversary greetings, kung saan pareho nilang ipinahayag ang pagmamahal, suporta at pagpapahalaga sa isa’t isa. 

Sa post ni Rochelle: “Thank you for everything, Bhe. Kahit madalas wala ako sa bahay dahil sa trabaho, alam kong ikaw ang super PAPA-PAPA na laging nandyan para sa akin at kay Shiloh. Salamat sa pag-intindi, pag-aalaga at pagiging solid mo sa amin. Makakatakas din tayo para sa date natin... pero October na ha! Kapit lang, Bhe! HAHAHA! Love you always!”

Kasalukuyang nasa Abu Dhabi sina Rochelle Pangilinan at ang SexBomb Girls para sa kanilang concert na Get Get Aw. 

Sila ang unang Filipino girl group na magtatanghal sa Etihad Arena. 

Sa kabilang banda, binalikan ni Arthur ang mga alaala sa pamamagitan ng pagpo-post ng isang video compilation ng kanilang photos.

“9 beautiful, colorful, and minsan crazy years with you. And here we are, still choosing each other every single day. Nandiyan ka man ngayon sa UAE at gumagawa na naman ng history and doing what you love. Hindi man tayo magkasama ngayon, and itong alis mo yata ang pinakamabigat sa akin.

“Naalala ko, nakatingin ako sa’yo sa dressing room, nag-aayos at paalis na for your flight. Pagpasok ko ng room, bigla akong naging emotional. Ayoko ko man sana umalis ka ulit, but I’ll support your dreams. Kahit saan ka pa dalhin ng dreams mo, nandito lang ako, cheering for you and supporting you all the way,” caption pa niya.

MGA NABIKTIMA NG AWARD-WINNING HOLLYWOOD ACTOR, MAY DOKUMENTARYO SA BBC

Iniulat ng BBC na nahaharap sa mga paratang ng sexual misconduct ang Hollywood actor na si Jared Leto.

Sa bagong dokumentaryo ng BBC na “Jared Leto: Hollywood’s Dark Secret,” ilang kababaihan ang naglahad ng kani-kanilang naranasan kay Leto noong sila ay teenager pa.

Sa pahayag ng unang biktima, sinabi niyang nakaranas siya ng sexual assault mula sa aktor sa banyo ng motel noong siya ay 17. 

Ikalawang biktima, inakusahan niya ang Oscar winner na inabuso siya sa isang hotel room sa edad na 19. 

Isang 16 anyos naman ang nagsabi na kinokontak siya ni Leto sa bahay nila at sinasabihan ng mga bastos na salita.

Bukod pa rito, may apat pang babae ang lumutang at nag-claim na sila ay inabuso rin ni Leto. 

Ang mga sinasabing pangyayari ay naganap umano mula 2002 hanggang 2016.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with