ACCLA,supalpal agad sa hunk driver na ex-sexy star!
NASAKYAN ng isang acclang male personality ang isang guwapong driver na hunk na dating sexy star.
Na-excite si accla sa driver niya. Pero nagulat siya nang ito mismo ang nagpakilala sa kanya dahil namumukhaan siya ng driver.
Eh nakalabas na pala si driver sa sexy movies. Pero hindi rin siya nagtagal na namuhay na lang nang simple bilang driver ng private vehicle.
Sinubukan ni accla na maakit si driver sa pamamagitan ng topic na nakakaelya dahil dati nga siyang sexy star. Hoping si accla na matitikman niya ang sexy actor turned driver!
Pero nagpauna na si driver na may asawa na raw at isa ang mga accla sa production kaya pinili niyang kumalas sa paggawa ng sexy films para matahimik ang buhay!
Bigo si acclang matikman si driver kaya charge to experience na lang na nasakyan niya si dating sexy star!
MVP, may malaking announcement
Special announcement daw ang ihahayag ni MVP o Manny V. Pangilinan sa media ngayong araw sa ipinatawag sa mediacon.
Walang detalyeng sinabi ang nag-imbita! Sapat na raw na malaking istorya raw ang announcement ni MVP!
Nitong nakaraang araw, may balitang bibilhin nina MVP at Ramon S. Ang ang ABS-CBN.
Dinenay ito ng ABS na partner sila ng MVP.
At sa latest na balita sa socmed, may binili raw na shares si Ang sa Lopez Group of Companies!
Exciting ang ganap sa telebisyon!
Kamakailan, nagkaroon ng media at trade launch ang TV5 ng aabangang shows sa susunod na buwan!
- Latest




















