^

Pang Movies

Dennis, takot makabuntis agad ang anak

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dennis, takot makabuntis agad ang anak
Dennie Trillio.
STAR/ File

Binata na ang anak nina Dennis Trillo at former beauty queen Carlene Aguilar na si Calix.

He’s 18 years old now at kwento nga ng aktor, mayroon na ring girlfriend.

Kaya naman bilang ama ay binibigyan niya ito ng mga advice at mga paalala lalo na pagdating sa pag-ibig. “Paalala ko sa kanya, huwag siya magmamadali, i-enjoy niya lang ‘yung buhay niya. Kung magge-girlfriend siya, siguraduhin niya,” sey ni Dennis sa panayam sa Fast Talk With Boy Abunda.

Ipinakilala na nga raw sa kanya ni Calix ang girlfriend na isa ring fencer tulad ng binata. Aniya pa, ayaw niyang maulit kay Calix ang naging pagkakamali niya noon. “Siyempre, ayoko na makabuntis siya nang wala sa oras, ‘di ba? Gusto ko, prepared at alam mo ‘yun, siguradong kaya niyang panindigan lahat ng mga responsibilities ‘pagka nangyari ‘yun. Pinaghahandaan, ‘yun ang importante,” sey ng aktor.

Pinaaalalahanan din niya ang anak na laging mag-iingat, “dahil siyempre, ‘yung mga bata ngayon, mapupusok. Minsan hindi natin alam ‘yung mga ginagawa nila, so mga paalala lang talaga ‘yung magsisilbing reminder everyday sa kanila.”

Naka-ilang girlfriend na rin daw si Calix pero feeling niya ay ito na ang pinakaseryosong relasyon nito dahil pinakilala na sa kanya. “‘Yung mga iba po kasi, hindi ko nakikilala, eh. So, ngayon lang ‘yung talagang ipinakilala niya sa amin,” sey ni Dennis.

Boto naman daw siya sa girl dahil mabait, marespeto at galing sa magandang family background.

Tila type rin daw pumasok sa showbiz ni Calix dahil tinanong daw siya ng anak tungkol sa acting workshop and voice lessons. “Sabi ko, ‘sige, gawin natin ‘yan pagka wala kang school, ganu’n.’ Ako mismo magwo-workshop sa kanya,” saad ni Dennis.

Bianca, nagsalita sa pagloloko ni Ruru!

Nagsalita na rin si Bianca Umali sa pag-amin ng boyfriend na si Ruru Madrid na nag-cheat na siya before sa kanilang relasyon.

Matatandaang sa panayam ng aktor sa Fast Talk with Boy Abunda ay ikinumpisal niyang talagang natukso siya sa ibang babae habang karelasyon niya si Bianca at naging dahilan ito para hiwalayan siya ng aktres.

Eight months daw silang naghiwalay at humingi siya ng tawad kay Bianca. Labis naman niyang ipinagpapasalamat na binigyan siya ulit ng aktres ng 2nd chance at pinatunayan naman niya ang kanyang pagmamahal sa girlfriend dahil hindi na niya inulit ang pagloloko.

Sa panayam kay Bianca ng Showbiz Updates ni Ogie Diaz ay nahingan siya ng reaksyon hinggil dito at ayon sa aktres, pinili niyang patawarin si Ruru sa naging pagkakamali nito. “I think, the best advice to give to everyone is to always choose kindness at the end of the day,” aniya.

“Anupaman ang pinagdaraanan natin, nasaktan man tayo, nakagawa man ng masama sa atin ang mga tao, kahit sino pa ‘yan, may it be people we love, may it be people we do not know, at the end of the day, let’s all choose kindness and choose to be the better person. Choose to understand the situation the best way that we could,” saad ng aktres.

Payo pa niya sa madlang people, “huwag tayong humawak at manatili sa galit, sa sama ng loob.”

In-encourage rin niya ang lahat na magpatawad sa mga nagkakamali sa kanila. “Wala pong mas tama pa sa pagpapatawad,” sey niya.

BOY ABUNDA

DENNIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with