^

Pang Movies

Atasha, inaasar na magiging Kapamilya!’

Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha, inaasar na magiging Kapamilya!’
Atasha Muhlach.
STAR/ File

Nakakatuwa ang comment ng fans sa balitang nabili ni Ramon S. Ang ang share ni Gabby Lopez sa ABS-CBN. May posibilidad daw na lumipat sa ABS-CBN si Atasha Muhlach dahil dito.

Kaya ito nasabi ng fans dahil nali-link si Atasha sa eldest ni RSA na si Jacob Ang at malaking bagay raw ito. Nagbibiruan lang ang fans, ‘wag seryosohin, saka sa Eat Bulaga minsan napapanood si Atasha at may kontrata siya sa Viva Artists Agency.

And speaking of Atasha, kabado na siguro ito dahil sa Sept. 18, 2026 na ang opening ng Bongga Ka, ‘Day: The Annie Batungbakal Musical sa Newport Performing Arts Theater. Hindi lang ang fans niya ang nakaabang sa run ng musical, pati bashers.

Napansin nga namin na mas dumami ang namba-bash kay Atasha dahil sa pagkakapili sa kanya ng Viva to play the role of Annie Batungbakal. ‘Yung hindi pa nga siya napapanood, hinusgahan na agad na hindi niya kakayanin ang sumayaw, kumanta at umarte.

Napa-react tuloy ang fans ni Atasha at nakiusap sa bashers na panoorin muna ang musical bago mam-bash. Give credit daw kay Atasha na nag-i-effort nang husto sa rehearsal para magawa nang tama ang role ni Annie and she is doing just fine.

Sa interview kay Atasha, natanong ito kung sino ang gusto niyang makapanood ng musical sa opening night? Sagot nito, ang parents at brother niya. Friends at fans at sorry sa mga nag-abang dahil wala siyang binanggit na name ng guy na nali-link sa kanya. Pero, panigurado, manonood si Jacob Ang sa opening night.

Sharon at Barbie, may tapatan!

Sa Sept. 11 na ang simula ng streaming sa Prime Video  ng Honor Thy Mother, ang drama series na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Barbie Forteza.

Sa inilabas na short teaser, mukha ngang magpapaligsahan sa acting ang dalawang aktres.

Pinost ni Sharon ang poster ng series na mukha lang nila ni Barbie ang nakalagay at kung ibabatay sa poster, may hatred sa mga mata nina Sharon at Barbie. Naintriga tuloy ang iba sa role nila at kung magkaaway ang kanilang karakter.

Sa poster pa lang, excited na ang fans nila. Ready na rin silang masaktan, umiyak, tumawa at sumaya kapag napanood na ang first project nina Barbie at Sharon.

 Kasama rin sa cast sina John Estrada, Mercedes Cabral, Khalil Ramos at Tonton Gutierrez. This is a Dreamscape Entertainment Production and directed by Onat Diaz and Jojo Saguin.

Wala pang announcement ng airing date ng series sa GMA, pero kung susundan ang mga naunang series na ipinalalabas sa streaming video at sa free TV, nauuna lang ng one o two weeks ang streaming at susunod na sa free TV. Kaya lang, wala pang series ang GMA 7 na malapit nang magtapos.

Rabiya, pumapasok na

Proud boyfriend ni Rabiya Mateo si Jake Cuenca, pinost sa kanyang Instagram Story ang photos ng GF sa first day nito sa medical school.

Sa comment na “First day of school, proud of you,” ni Jake para kay Rabiya, marami ang kinilig. Ang lakas daw ng suporta ni Jake sa nobya at kailangan ito ni Rabiya dahil mahirap sa medical school.

Naka-enroll si Rabiya sa Doctor of Medicine Program sa University of Santo Tomas at nabanggit na sa Pediatrics siya mag-i-specialize. Determinado si Rabiya na matapos ng med school, ang tanong ng fans, tumigil na ba siya sa showbiz?

ATASHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with