^

Bansa

Lacson: Pia may P4.7 bilyong ‘insertion’ Alan P6.7 bilyong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Lacson: Pia may P4.7 bilyong ‘insertion’ Alan P6.7 bilyong
Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson nitong Linggo na umano’y may P4.7 bilyong budget insertion si Sen. Pia Cayetano noong 2025, habang P6.7 bil­yon naman ang naipasok para sa kanyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano.

“Sa insertion [ng Ge­neral Appropriations Act nung 2025] meron, I think nasa P4.7 billion. Hindi pa namin na-check kung ilan sa P4.7 billion ang na-implement,” sabi ni Lacson sa panayam ng Super Radyo dzBB.

Para naman kay Alan, sinabi ni Lacson na nasa P75 milyon lamang sa kabuuang P6.7 bilyon ang hindi naipatupad.

“Kay Alan, out of the P6.7 billion, parang mga nasa P75 million lang ang hindi na-implement. Lahat ng implemented … karamihan diyan sa Taguig,” dagdag ni Lacson.

Pero sinabi rin ni Lacson na kailangan pa ng karagdagang imbestigasyon upang matukoy kung may kaugnayan si Pia sa mga umano’y maanomalyang flood control project.

“Hindi ko alam kung lahat [ng P4.7 billion budget insertion ay para sa] Taguig. At wala naman talagang nagpapakita na may mga proyekto si Senator Pia na para sa flood control na may anomalya. Walang showing na ganun kasi hindi pa namin nadedetalye ‘yun,” ani Lacson.

Inihayag ito ni Lacson matapos niyang ibunyag ang umano’y ilegal na mga reclamation project sa bahagi ng Laguna Lake na sakop ng Taguig.

Ayon kay Lacson, ang mga proyekto ay iniharap bilang slope protection at mitigation projects, ngunit lumalabas umano na reclamation ang aktuwal na layunin.

Sa pinakahuling bilang ni Lacson, umabot na sa 32 ang mga flood management project sa Taguig na umano’y may iregularidad.

BUDGET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with