^

Pang Movies

Daniel Fernando, may tina-target na aktres!

Anna Pingol - Pang-masa
Daniel Fernando, may tina-target na aktres!
Daniel Fernando.
STAR/ File

Saglit naming nakaharap ang masipag at matikas na governor ng Bulacan na si Gov. Daniel Fernando sa kanyang personal residence sa Tabang, Guiguinto, Bulacan kamakailan. May inilapit kasi kaming suliranin na agad naman niyang tinugunan.

We grabbed the chance na makatsika na rin siya at isa sa agad naming inalam ay kung ano ang susunod na leadership position sa Bulacan ang kanyang tatakbuhin sa paparating na synchronized national ang local elections sa 2028. Last term na kasi niya as governor ang incumbency niya.

Aniya, napakarami na nga raw nagtatanong pero maski raw siya ay hindi pa rin n’ya alam ang sagot. Pwede kasi siyang tumakbong vice governor, habang ang present niyang bise, ang actor-politician din na si VG Alex Castro ang siya namang tatakbong governor.

Pwede rin naman siyang mag-congressman para sa fifth district ng Bulacan para i-represent ang mga bayan ng Balagtas, Bocaue, Pandi, at ang hometown niyang Guiguinto. Mukhang wala naman siyang makakalaban doon. One thing is sure though, tila wala sa plano niya ang magpahinga. Pinag-aaralan lang daw niya kung sa anong kapasidad niya pwedeng patuloy na mapaglingkuran ang mga Bulakenyo.

Sinubok din namin siyang tanungin about his lovelife. Nangiting inamin ng dating aktor na may napupusuan siyang aktres at plano na niyang magparamdam dito.

Pero kahit anong giit namin ay ayaw niyang sabihin kung sino.

NAKU, e, bilisan na sana ni Gov. at nang magka-first lady na ang Bulacan.

Angeline, inilunsad ang bagong single

Mas pinatingkad ni Angeline Quinto ang mensahe ng wagas at matatag na pag-ibig sa kanyang bagong single na Hindi Mawawala, bago ang kanyang inaabangang 15th anniversary concert na AQuinse sa Agosto 22 (Sabado) sa Smart Araneta Coliseum.

Mula sa komposisyon at produksyon ni ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, umiikot ang emosyonal na ballad sa pag-ibig na nananatiling matatag sa kabila ng panahon, distansya, at iba’t ibang pagsubok sa buhay.

Mas lalo pang pinaiigting ng bagong awitin ang excitement para sa AQuinse, kung saan ipagdiriwang ni Angeline ang kanyang 15 taon sa industriya sa pamamagitan ng isang gabi ng mga kantang minahal ng kanyang mga tagahanga. Kabilang sa kanyang aawitin ang Patuloy Ang Pangarap, Till I Met You, At Ang Hirap, at marami pang iba.

Makakasama rin ng Power Diva sa gabing ito sina Regine Velasquez-Alcasid, Martin Nievera, Erik Santos, Enchong Dee, Skusta Clee, Viñas Deluxe, Brigiding, Precious Paula Nicole, at Baby Dolls.

DANIEL FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with